Nabura na ang halos lahat ng content sa YouTube channel ng Kapuso actor at direktor na si Xian Lim, na nagdulot ng pagkabigla sa kanyang mga fans at subscribers.
Wala nang matagpuang mga na-upload na video sa kanyang channel, kasama na ang mga vlog niya kasama ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu. Ito ay nangyari sa gitna ng mga lumalabas na balitang matagal na silang hiwalay.
Sa kasalukuyan, may tatlong natirang content sa kanyang channel, dalawa rito ay maikli at naglalaman ng mga eksena ng kanyang pagsakay sa isang motorsiklo at ang isa naman ay nang manood siya ng isang play. Isang long-form video rin ang naiwan sa kanyang channel, na na-upload niya limang taon na ang nakakaraan at nagpapakita ng kanyang animated drawings tungkol sa kanyang buhay.
Mayroon ding video ng kanyang pagbisita sa California at ang kanyang cover ng “A Million Dreams” by Ziv Zaifman, Hugh Jackman, at Michelle Williams.
Marami sa mga netizens ang nagsuspek na posibleng nais nang mag-move on ni Xian sa kabila ng mga chismis sa kanilang hiwalayan ni Kim. Gayunpaman, hindi pa rin burado ang mga larawan at video nina Xian at Kim sa Instagram ng Kapuso actor.
Naglalabas ng mga balita ang mga netizens tungkol sa paghihiwalay nina Kim at Xian mula pa noong mga nakaraang linggo matapos ang 11 taon nilang relasyon. Nagsimula ito nang mapansin ng netizens na nagbakasyon ng mag-isa si Kim sa ibang bansa.
Bagamat ito ay sinagot na ni Kim sa presscon ng “Linlang” kung saan ito ay tinawag na “mapanlinlang ang showbiz,” hindi pa rin nagbigay ng malinaw na pahayag tungkol sa kanilang relasyon.