Kasalukuyan itong pinag-uusapan sa social media ang paglantad ni Abegail Rait at kanyang 15-taong gulang na anak na si Cheska. Si Abegail ang nagpakilalang dating karelasyon ng yumaong rapper, aktor, at TV host na si Francis Magalona.
Si Francis M. ay pumanaw noong March 6, 2009, sa edad na 44, dahil sa acute myeloid leukemia. Nito lamang ay ibinunyag na ni Cheska ang kanilang lihim na pagmahahalan ng yumaong host/rapper at ang naging bunga ng kanilang pagsasama.
Sa isang vlog ng Pinoy Pawnstars na inilabas noong Martes, October 17, 2023, ibinunyag ni Abegail na nanatili silang tahimik kasama ang kanyang anak sa loob ng labinlimang taon.
“For fifteen years, nanahimik ako. Siguro naman ito na lang yung karapatan na puwede kong magawa para sa kanya [Cheska]”.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Abegail sa nasabing vlog habang ibinebenta niya ang ilan sa mga memorabilia ni Francis na nagpapatunay ng kanilang relasyon: “Hindi naman ako nagsalita, e. I know people will judge me but we exist. What we had is real,”
Para sa mga hindi pamilyar sa nakaraan sa showbiz ni Francis M., talagang nakakagulat ang paglabas ng rebelasyong ito tungkol kay tungkol kay Abegail at sa kanilang anak.
Ngunit hindi ito lubos na kamangha-mangha sapagkat dalawang buwan makaraang pumanaw ang itinuturing na Hari ng Rap ng Pilipinas noong 2009, naglabasan ang mga larawan na nagpapakita kay Francis M. kasama si Abegail at ang kanilang sanggol na anak noong panahong iyon.
Sa mga naging ulat, matatagpuan din ang impormasyon na naganap ang binyag kay Cheska noong ika-28 ng Disyembre, 2008 sa isang simbahan sa Kawit, Cavite.
Sinubukan showbiz program ng GMA-7, tulad ng Startalk at Showbiz Central, na ibahagi ang kuwento tungkol sa ugnayan nina Francis at Abegail, ngunit may mga tao sa TAPE Inc. na nagmakaawang hayaan na lamang sa kanila ang kwento bilang paggalang sa alaala ng yumanong rapper at sa kanyang naulilang pamilya.
Ngunit pagkatapos ng labing-limang taon, nagpakita muli si Abegail at nagbigay ng mga pahayag tungkol sa kanilang dating relasyon ni Francis.
Sa kanyang kuwento, inilarawan ni Abegail kung paano siya napansin ni Francis habang nanonood sa studio ng Eat Bulaga. Ayon sa kanya, si Francis ang gumawa ng paraaan para sila’s magkakilala at doon na nga nag simula ng kanilang relasyon at pagkakaroon ng isang anak.
Pagkatapos ng 15-years, buo na ang kanyang loob na ipakilala sa madla ang anak nila ni Francis,
Hindi lang niya ibinahagi ang detalye ng kanilang nakaraang relasyon, sapagkat ipinakita rin niya sa publiko ang isang video ng kanilang pagbisita ni Cheska sa puntod ni Francis M. sa Loyola Memorial Park, Marikina City, bilang paggunita sa ika-59 anibersaryo ng kaarawan nito noong ika-4 ng Oktubre, 2023.