“Iniwan kami sa ere!” yan ang reklamo ng ilang mga kasosyong nagbahagi ng kanilang saloobin. Sila ay inofferan umano na maging potential investor ng beauty product business nitong isang kilalang personalidad.
Sa umpisa, ayon sa kanila, maayos ang pakikipag-usap sa kanila ng famous person. Ngunit ilang buwan na lang ang lumilipas, bigla na lang silang iniwanan nito nang walang abiso, at wala rin itong nabanggit tungkol sa pagbabalik ng kanilang ini-invest, bagamat una ay sinabi nitong “guaranteed” daw ito.
Ayon sa kanila, nagpumilit silang makipag-ugnayan sa kilalang personalidad ngunit tila hindi na sila sinasagot, at hindi rin binubuksan ang kanilang mga mensahe sa social media account nito.
Sa kasalukuyan, may iba pang mga kasosyo na naghahanda para mag-file ng demanda laban sa kilalang personalidad.
Hindi pa nila naisasapubliko ang pangalan ng nasabing personalidad dahil umaasa silang magiging handa itong makipag-usap pagkatanggap ng demand letter mula sa kanilang abogado.