Nakakaranas ng problema sa usapang pera ang isang kilalang aktor dahil ayaw nitong magbayad nang tama para sa kinomisyon ng kanyang stylist.
Ang aktor ay mayroong stylist para sa kanyang programa at personal na lakad, ngunit ito ay iniwan niya dahil sa sobrang mahal ng singil nito. Sa halip, nakahanap siya ng bagong stylist na mas swak sa kanyang budget.
Naging maayos ang usapan nila sa simula, at napagkasunduan na ang stylist ay ipo-post ang mga damit na isinusuot ng aktor sa kanyang social media accounts bilang promo. At in fairnes nakapag uwi pa ng “best dressed” award ang aktor na siyang naman lubos na ikinatuwa ng stylist.
Ngunit napansin ng stylist na hindi na ibinabalik ang mga damit ng aktor at nagsimulang singilin ito. Subalit, may mga alibi ang aktor at hindi ito nagde-deposito sa bank o nagkakaproblema sa G-cash.
Ang stylist at aktor ay hindi madalas magkita, at karaniwang ang assistant ng stylist ang pumupunta sa taping at shooting ng aktor para magdala at magbihis ng mga damit.
Subalit, nagkasama rin sila sa wakas, ngunit naiwan daw ng aktor ang kanyang cheque booklet at walang cash dahil credit cards lang ang kanyang dalang pera.
Matapos ang tatlong buwan, hindi pa rin nagbayad ang aktor, at hindi rin siya sinisingil ng stylist. Hindi na rin ibinalik ang mga damit, at ito ay naging usap-usapan sa kanilang mga kaibigan.
Marami ang nagtataka sa sitwasyon, at may nagsasabi na baka kulang ang budget ng aktor kaya hindi niya kayang magbayad.
“E, sana hindi siya kumuha ng stylist niya wala pala siyang perang pambayad! Hindi pa nagsoli ng damit, syupanes (kapal)!” kwento ng isang source.
Naisip kaya ng aktor ang posibilidad na maapektohan ang kanyang pangalan sa isyung ito? Maliit ang mundo ng mga stylist, kadalasan ay magkakakilala at nagkakatsismisan ang mga ito.