Kapag kulang ang badyet para sa mga gustong accessories sa sasakyan, mas mabuting huwag nang bumili lalo na kung hindi naman kailangan.
May isa kasing tindahan-talyer ng mga accessories ng sasakyan sa Pasig City, habang ang kanilang main branch ay matatagpuan sa Quezon City. Ibinahagi nila ang isang kwento.
Ayon sa kanila, halos isang taon na silang hirap na hirap singilin ang isang kilalang direktor na nagpapagawa ng iba’t ibang accessories sa kanyang sasakyan. Ang gusto daw nito ay mapaganda ang takbo nito, lalo na kapag nagmamadali siyang mag-out of town para sa kanyang mga shoot.
Dahilnga sikat ang personalidad na ito, Naging isang special project siya ng tindahan-talyer, at ang limang tauhan daw nila ay nagtulungan upang mabilis itong matapos. Malinaw na pinipili ang shop na ito dahil sa mahusay na serbisyo na kanilang iniaalok.
Matapos ang apat na oras, natapos na ang lahat ng pag-aayos sa sasakyan, at feedback ng mga tao ay parang bagong bili ulit ang sasakyayan ng direktor.
Ngunit matapos nga ang nagawa nilang trabaho, nalaman nila kulang ang budget ng direktor, at ang kabuuang halaga ay umaabot sa mahigit P50,000. Dahil dito, humiling si direk na babayaran niya agad ang naiwan balanse na P20,000 sa susunod na balik niya. Iniwan niya ang kanyang contact number, address, at network sa pag-aakalang makakabayad siya.
Dahil sa kilala siyang tao ay pumayag ang may-ari ng tindahan na maghintay. Ngunit sa loob ng halos isang taon, hindi pa rin nagbayad ang direktor, at madalas ay hindi sumasagot sa mga tawag ng mga empleyado ng tindahan. Madalas ding patay ang kanyang cellphone.
Sa kabutihang palad naman ay kilala siya sa industriya ng showbiz and direktor kaya’t nabanggit ng may-ari ng talyer sa isang aktor ang tungkol sa utang ni direk na umabot ng P20,000. Tinawagan ito ng aktor, at sa wakas, nagbayad na rin ang direktor, ngunit matapos ang anim na buwan pa.
Nagtanong ang may-ari ng tindahan, “Sikat siya, ‘di ba? Maraming shows siya?”
Pero sa showbiz hindi lang basehan ang dami projects, maari din kasing mababa lamang ang talent fee ng direktor o sadyang madami itong gastusin sa buhay.
At isa pang kapuna puna, ang tseke na ibinigay ay hindi nasa pangalan ng direktor, kundi nasa pangalan ng isang aktres.
Sa huli, sinabi ng may-ari ng tindahan na, “Mas mainam pa nga siguro ang magpagawa ang mga simpleng tao, mas may pambayad kaysa sa mga sikat na personalidad.”