Ipinahayag na ng ABS-CBN ang kanilang opisyal na pahayag tungkol sa pagbabasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hinggil sa kanilang motion for reconsideration para sa “It’s Showtime.”
Ito ay may kaugnayan sa orihinal na resolusyon ng ahensya na 12-days suspension dahil nga sa mga paglabag na nagawa ng kanilang programang It’s Showtime, kabilang na dito ang most recent na controversial act kung saan makikita ang malaswa daw na pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing sa harap ng mga bata sa segment nilang “Isip Bata.”
“Naihain na sa amin ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board a itinanggi ang aming Motion for Reconsideration para sa programang “It’s Showtime” at pinag-aaralan namin ang aming options,” pahayag ng ABS-CBN.
Ayon pa sa kanila “Samantala, habang hindi pa final at executory ang ipinataw na suspensyon, nais naming ipaalam sa aming viewers na patuloy pa rin nilang mapapanood ang ‘It’s Showtime’ sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV. Pwede rin itong mapanood sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.”
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng ABS-CBN sa mga manonod na walang sawang sumusuporta at sumusubaybay sa kanilang programa.
“Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal, sumusuporta, at nanonood ng aming programa. Patuloy kaming maghahatid ng saya at inspirasyon sa aming minamahal na Madlang People,” kwento pa ng Kapamilya network.
Noong Huwebes ng hapon, ika-28 ng Setyembre, tiniyak ng MTRCB na ang kanilang naunang desisyon na patawan ng 12-araw na suspensyon ang “It’s Showtime” sa kanilang mga palabas sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel ay final na.
Mababasa sa kanilang resolusyon ang pag deny sa Motion for Reconsideration (MR) na isinumite ng GMA Network, Inc. at ABS-CBN Corporation.
“Said MRs sought relief from the Board’s ruling dated August 17, 2023, regarding the July 25, 2023 episode of the live noontime television program ‘It’s Showtime!’.”
“Specifically, during the show’s “Isip Bata” segment, in which hosts Ryan Bang, Vice Ganda and Ion Perez allegedly acted indecently or inappropriately in the presence of children, which is alleged to have violated Section 3 (c) of Presidential Decree No. 1986 and its Implementing Rules and Regulations.”
“In view of which, the Board’s decision dated 17 August 2023 is affirmed.”