Ipinamahagi sa amin ng pinsan ng may-ari ng isang travel agency ang kuwento tungkol sa isang kilalang aktres na sobrang mataas ang talent fee.
Ayon sa aming source, tila may nanghihinayang daw ang may-ari ng travel agency sa napiling aktres bilang kanilang endorser dahil sa kabila ngmahal ng talent fee nito nasasaktan pa siya sa napag usapang presyo.
“Sabi ng pinsan ko, grabe raw mambudol si _ (aktres) kasi una nagtanong kung magkano ang package sa lugar kasi raw may event siyang pupuntahan, sinagot naman ng pinsan ko, tapos nagtanong magkano ang discount pag marami sila.”
“Since endorser, kaya sabi ng pinsan ko libre na lang siya __ (aktres) e, naloka kasi lampas 10 sila at humihirit ng libre na lang lahat kasi ganito o ganyan.”
“Basta maraming pag-uussap na nairita ang pinsan ko at ipinasa siya sa agent dahil na-stress na at saka may meeting pa siya.”
“Sabi rin nu’ng agent super kulit daw at kung anu-ano ang sinasabi na parang galit pa at kesyo malakas siya sa _ (kilalang news program) at hindi niya ipo-promote.”
“E, hindi type ng pinsan ko, maraming diskusyon kaya ginawan ng paraan para matapos na lang at iyon daw ang huling deal niya sa aktres at dedma na sa mga susunod na request at higit sa lahat hindi na siya ire-renew,” kuwento ng pinsan ng may-ari ng travel agency.”
Kaya’t nauunawaan na ng ilang kilalang personalidad kung bakit hindi sila nagre-renew ng kanilang kontrata dahil sa mga ganyang uri ng mga gulo o komplikasyon.
Ayon sa aming obserbasyon, mukhang mas angkop nga kay aktres ang pagiging host kaysa sa pag-arte, lalo na’t hindi ito kilala para sa kanyang galing sa pag-arte.
Naalala tuloy namin ang mga kuwento sa showbiz na karamihan sa mga celebreties ngayon ay nakakaramdam ng entitlement, kung saan ini expect nila ang mga libreng serbisyo o tulong, at kung minsan ay pilit na nakikipag usap sa kanilang mga kakilala at mga dating sponsor na mga brand.