Maraming netizens ang nagbigay ng pusuang reaksyon at nag-like sa mga larawan sa beach nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Nagbahagi ang TV host-actress ng mga sweet na larawan nila ng aktor at kongresista mula sa kanilang bakasyon sa isang magandang isla.
Sa kanyang Instagram post, may maikling caption si Maine na, “Para-para-paradise.”
Hindi inilahad ni Maine kung saan sila nagbakasyon ni Arjo, ngunit ayon sa mga komento at ilang ulat, maaaring kuha ang mga larawan sa Amanpulo, isang resort sa Palamalican Island, Cuyo Palawan.
Napakaraming fans ang nag-react sa nasabing Instagram photos ng mag-asawa kabilang na ang mga tanong kung ito na ba ang kanilang second honeymoon.
Inulan naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang kanilang mga larawan sa social media.
“Stroke na Naman nga haters. Hahahahaha Love you Armaine!”
“Ka guapo ng congresman nyo super bait pa clng buong pamilya Mendoza at atayde, pkaganda ng kaplaran nlng dalawa.”
“Bitter ng iba. Hahaha. Atleast sobrang happy ni Maine sa piling ni arjo.”
“Wala na bang gagawin Kundi puro honeymoon?”
“Wish Alden will find someone better than Maine. He is a kind considerate at gwapo.”
“Parang pinapalabas nyo na kasalanan ni Maine bakit di nagkatuluyan Ang aldub? Kasalanan iyan ni Alden bakit di Niya niligawan si Maine.”
“Bihira nalang segoro ang better than Maine kc package na si Maine nasa kanya na ang hanap ng 1ng lalaki mabait maganda mapera may mga business at may trabaho mayaman na sya.”