Napaka ganda ng naging bagong pakulo ng production staff ng E.A.T. sa TV5 sa pag papakilala ng kanilang bagong miyembro ng Legit Dabarkads na si Atasha Muhlach.
Ang paggamit ng isang karakter na si Ellen sa kanilang segment na “Gimme 5” ay naging daan upang ipakilala sa mga manunuod ang bago nilang makakasama sa E.A.T.
Nag bigay ng mantinding excitement ang ginawang ito ng dabakads dahil talaga naman hinihintay ang paglabas ni Atasha Muhlach sa kanilang programa.
Naging bulong bulungan din agad sa social media na pwedeng dahil sa pag-join ng anak ni Aga at Charlene sa Legit Dabarkads ay mas tumaas ang rating E.A.T dahil magkakaroon ng bagong aabangan ang mga manonood.
Nakarating sila sa punto kung saan naisama nila ang kuwento ni Ellen sa buong pamilya nito, mula kay Mommy Josie at Papa Ethan, hanggang kay Lola Belen, pati na rin ang yaya nito.
Nagkaruon ng pag-unlad sa kuwento ng pamilya ni Ellen, at inihayag na narito sa Pilipinas ang mas bata niyang kapatid na si Tasha. Ipinakilala nga nila si Tasha, na wala nang iba kundi si Atasha Muhlach, ang 22-taong gulang na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, at kakambal ni Andres.
Timing na timing ang pagpapakilala nila kay Atasha, lalo na’t nagkaruon sila ng pagkakataon na mag-interview kina Andres sa mga entertainment press sa burol ni Manay Ethel Ramos.
Alis na aliw naman ang mga manonood sa kwento ng mga dabarkads bago humarap si Atasha bilang karagdagang Dabarkads.
Pahayag ni Atasha, “Maraming salamat po sa warm welcome. And I’m really excited to be part of such a beautiful and kind-hearted family. So, thank you po. Salamat.”
Agad na sumabay si Atasha sa karakter na kanyang ginampanan sa programa. Pabiro niyang sinabi na siya ay ipinaglihi kay Lola Belen.
Biro naman ni henyo master Joey de Leon, “Dumating na ang A.I.—Ang Iniintay ng Dabarkads!”
Nagpahayag din ng pasasalamat si Vic Sotto sa pagiging adoptive parents ni Tasha dito sa E.A.T., na sina Aga at Charlene.
“Aga and Charlene Muhlach, thank you. And to your lola, thank you for the trust. And congratulations on your graduation”, pasasalamat ni Bossing.
“Sabi nga ng parents mo, kailangan mo munang magtapos ng studies which you did, with honors. Congratulations. Sana mag-enjoy ka dito sa Dabarkads.”