Kung may isang sertipikadong “Selos Immune” na boyfriend sa mundo ng showbiz, iyon ay walang iba kundi ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto.
Siya ngayon ay tinutukoy bilang “Perfect example ng isang supportive boyfriend” sapagkat sa kabila ng tagumpay ng tambalan ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza kasama si David Licauco, nananatili siyang tapat at maunawain na dyowa.
Hindi rin siya nagpapadala sa mga negative comments ng mga fans, tulad ng mga tagasuporta ng BarDa na nagsasabing mas mabuti nang magkahiwalay ang Kapuso actress at si David upang magkaroon ng pagkakataon ang tunay na pagtutuluyan nina Barbie at David sa totoong buhay.
“No, I’m not annoyed, mas nalulungkot ako kasi yung ibang fans parang sobrang pinepersonal ang comments nila. Minsan, hindi na maganda yung mga salitang pino-post nila.
“Siyempre, inuunawa ko na lang po na kinikilig sila sa BarDa loveteam, pero sana, maintindihan din nila na trabaho lang po yun at iba ang trabaho sa personal na buhay ng mga artista,” depensa ni Jak nang ma interview ng ilang members ng entertainment press sa online mediacon ng “The Missing Husband.”
Tulad ng dati, ganap na sinusuportahan din niya ang bagong proyekto ng BarDa gaya ng kanyang ginawa noon sa Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra,” kung saan unang naging kilala ang kanilang tambalan ni David at Barbie.
“Blessing po yun at ngayon nga, may bago silang series na ‘Maging Sino Ka Man’ at may bago pa silang movie. Six years na kaming on ni Barbie at never kaming nakialam when it comes to our careers.
“Pareho kaming artista so alam naming kapag trabaho, trabaho yun at kapag lovelife, iba rin yun,” dagdag pa niya.
Sa kabila nito, sa pagtatanong kung paano nila napapanatili ang mainit at masayang pagsasama ni Barbie sa kabila ng mga pang-iintriga ng mga netizens.
“Wala namang secret. Basta hindi nawawala yung trust and respect namin sa isa’t isa. Walang selos-selos, basta go, trabaho lang. We’re all professionals.
“David and I are friends and he’s very vocal in saying that he respects yung relationship namin ni Barbie and thank you for that
Pagdating naman sa usapin ng kasal, “Siyempre napag-uusapan, pero wala pa pong seryosong plano sa ngayon. Dahil pareho pa kaming labis na nakatuon sa aming mga karera.”
“Lalo na si Barbie, talagang nakatuon siya sa kanyang karera dahil nais niyang magtagal sa industriya, tulad ni Tita Gloria Romero.
‘Yan ang kanyang pananaw. Kakaturn 26 lang naman siya noong Hulyo 31 kaya’t bata pa siya para simulan ang aming sariling pamilya. Maari pa itong hintayin,” paliwanag pa ni Jak Roberto.
Makikita na ang “The Missing Husband” sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes, na pinagbibidahan din nina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, at marami pang iba.