Naghamon kay TV host-actress Karla Estrada si Cristy Fermin na harapin siya kasama ang kanyang source. Ang hamon ay kaugnay sa pagdedenay ni Karla sa naiulat niyang impormasyon sa “Showbiz Now Na” na nagpapahiwatig na totoo ang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na iniulat ng kanyang source.
Pagkatapos iulat ito ni Cristy, nag-post si Karla sa kanyang Facebook account at itinangging ang naturang ulat sa showbiz columnist.
Ayon kay Cristy, “Anak, hindi ko na problema ‘yun! Ang pinakamaganda, magharap-harap kaming tatlo ng kaibigan niya na pinagsabihan niya. ‘Yun lang!”
Nitong Martes, muli nilang napag-usapan ang pahayag ni Karla ukol sa isyu, at inihayag niyang may isang kolumnista ang lumapit sa kanya upang hingin ang kanyang pahayag.
“Ang sabi ko sa kaniya [kolumnista], hindi na ako makikipag-argumento pa. Ang pinakamaganda dyan, magharap-harapan kami ng aking source at saka siya,” pagkakasabi ni Cristy.
Hamon pa niya,”Kaya sa panahong ito, hinahamon ko si Karla Estrada para malaman na natin kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayong maghaharap-harap.”
Inilahad rin ni Cristy na may sinusunod na utos sa linya ng pagsusulat ang tungkol sa mga “source”.
“Kami pong mga manunulat…may mga unwritten rule dito po sa aming trabaho na hindi kami talaga nagda-divulge ng aming source.
“Pero kung kinakailangan talaga na magharap-harap kami at ipagpipilitan ni Karla Estrada na hindi siya ang nagsasabi na hiwalay na si Kathryn at si Daniel, doon kami mauuwi talaga,” giit pa ni Cristy.
Sa ngayon, wala pang pahayag si Karla hinggil sa hamon ng kolumnista na magharap-harapan upang patunayan ang katotohanan ukol sa tunay na estado ng relasyon nina Daniel at Kathryn.