Si Dimples Romana, 38, ay hindi nakaiwas sagutin ang mga tanong tungkol sa pagiging MIA o matagal nang pagkawala sa showbiz ng kanyang malapit na kaibigang si Angel Locsin, 38.
Mahigit isang taon nang hindi nakikita sa publiko si Angel.
Noong Agosto 13, 2022, naging huli siyang makita siya publiko sa pamamagitan ng isang post sa Instagram, ngunit ito’y inalis rin niya, hindi rin aktibo sa Instagram ang aktress.
Mas aktibo sa social media ang kanyang asawa, si Neil Arce, ngunit sa kanyang mga post ay wala din pagpapakita kay Angel.
Sa panayam ng vlogger na si Kiko Escuadro noong ika-14 ng Oktubre, 2023, naging open si Dimples nang siya’y tanungin tungkol kay Angel.
“Hindi ako nagsasawang sagutin about her. I’m always fond of people checking up on her.
“I feel it is not just coming from concern, but also pagka-miss niyo sa kanya,” sagot ni Dimples.
Ani pa ng Kapamilya actress, “I try to see her every now and then. Ako, I’m very happy that she’s taking this time off.”
Pagkatapos, binanggit ni Dimples ang mga gawaing pang-philanthropy ni Angel, na tanyag sa pagtulong sa mga oras ng kalamidad.
Dagdag pa ni Dimples, “Siya yung nauuna doon [sa pagtulong], and ako ang lagi kong dasal sa kanya dati, sabi ko sa kanya, ‘Gel, please, maghinay-hinay ka kasi yung katawan mo. Tayo, hindi tayo bumabata, baka mamaya magkasakit ka.”
“So ngayon, inaalagaan niya ang sarili niya. Nandiyan si Neil, ine-enjoy niya ang married life niya. Tahimik ang buhay niya. Ang saya-saya ko para sa kanya.”
Nagbalik tanong din si Dimples ng, “Don’t we all wish that?
Alam mo, kung kaya ko yun gawin gagawin ko, e, di ba?
“Pero hindi natin kaya. Only Angel Locsin can do that. [Sa] totoo lang, aminin mo!”
Ayon pa sa kanya, “It’s a big choice, ‘no. But it’s also a choice that I feel is making her happier. So, masaya ako.
“Yung best friend ko na yon, talagang iisipin mo, pakahusay talaga niya, naisip niya yon, na at this age, dahil andami [niya] naman nang trabahong ginawa…
“She was very selfless, e. She was always giving herself.
“And at this time, when she chose to remain calm, be in the house, enjoy married life, yun sa akin, kabilib-bilib.”