Humingi ng paumanhin ang buong pamunuan ng noontime show na “E.A.T.” matapos mag-trending ang “lubid” joke ni Joey de Leon.
Sa isang sulat na ipinadala sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB noong Lunes, ika-25 ng Setyembre, nagbigay paliwanag ang programa hinggil sa pangyayari.
“We are writing to formally explain an incident that occurred last September 23, 2023 during E.A.T.’s ‘Gimme 5’ segment involving one of our host Mr. Joey de Leon.”
“During the said incident, Mr. Joey de Leon suggested ‘lubid’ (rope) as an answer to a question regarding things that may be worn around the neck.”
“He conveyed this verbally in a very brief manner without further actions, elaborations or demonstrations,” paliwanang ng pamunuan “E.A.T.”.
Ang sulat na ito ay pirmado ni Jeny Ferre, ang Head of Creatives and Production Operations.
Sa segment ng “Gimme 5,” kinakailangan ng mga contestant na magbigay ng limang bagay na maaaring isabit sa leeg.
Batay sa viral video mula sa episode ng “E.A.T.” noong ika-23 ng Setyembre, mahirap nga para sa contestant na magbigay ng mga sagot at ang tanging nasabi lamang nito ay ang “necklace” hanggang sa maubos ang oras.
Pagkatapos nito, sinabi ni Joey na nakalimutan ng contestant na banggitin ang “lubid.”
“Lubid, lubid, nakakalimutan niyo,” sey ng TV host.
Marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang interpretasyon na may kinalaman sa suicide o pagpapatiwakal ang sinabing sensitibong topic ni Joey, na nagdulot ng pagkabahala sa mga manonood.
Dahil dito, humihingi ng paumanhin ang buong pamunuan ng “E.A.T.” sa mga na-offend sa pahayag ni Joey.
“However, some viewers interpreted the utterance of the said object as an insinuation of suicide, which is a very sensitive and triggering subject.
“In this regard, the whole EAT management is regretful and apologetic to those who were offended by the said utterance,” ayon pa sa sulat.
Nangako naman ang “E.A.T.” na ang programa ay makaaasa ang MTRCB na magiging kasangkapan nila sa kanilang adbokasiya para sa responsible viewing experience ng publiko.
Nananatili namang abala ang madlang pipol sa pag-aabang ng magiging desisyon ng ahensya tungkol sa pangyayaring ito.