Nagbigay pahayag si Elijah Canlas sa isang exclusive na panayam sa ABS-CBN News noong Huwebes, ika-23 ng Nobyembre, kung saan inamin niyang matagal na silang hiwalay ni Miles Ocampo.
Ang personal na bahagi ng kanilang buhay, kasama na ang kanilang relasyon, ay pribado at maaring magbago sa mga susunod na panahon.
“We wanna know the real score. Is it like…are you still together or not anymore? tanong ni Ganiel Krishnan kay Elijah.
“Sadly, no,” pagkumpirma ng aktor.
Pagpapatuloy ni Elijah, “We broke up couple months ago. But I’m always gonna have love for her. I’m always gonna support her in whatever she does. I’m always her number one fan, basically.”
Sa ngayon raw ay mas naka-focus sila sa kani-kanilang buhay.
“But right now we’re taking our time figuring out ourselves and our lives right now,” sey pa ni Elijah.
Noong nakaraang buwan, kumalat ang balitang naghiwalay na ang dalawa.
Isang taon pa lamang ang nakakalipas nang ipinakita nina Elijah ang kanilang relasyon sa publiko. Bago pa man sila naging opisyal na magkasintahan, nagtrabaho sila together sa drama series na “Paano ang Pangako?” noong 2020.
Sa ngayon, wala pang pahayag o reaksyon si Miles ukol sa pag-amin ni Elijah. Maaring magkaruon ng iba’t ibang dahilan kung bakit wala pang pahayag mula sa kanya, at pwedeng magbago ang kanyang desisyon sa mga susunod na araw.