Labis ang tuwa ng mga fans and supporters nag programang It’s Showtime nag makita nila ang kanilang mga iniidolo na nag eenjoy sa kanilang pagbisita sa Hongong upang makapag bonding at bakasyon.
Ito ay naganap sa kabila ng suspensiyon na nagtagal ng labindalawang araw na ipinataw ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) laban sa kanilang programa.
Sa Instagram post ni Teddy Corpuz noong Huwebes, ika-19 ng Oktubre, 2023, makikita ang masayang larawan kasama ang kanyang It’s Showtime family habang sila ay nasa HongKong.
Kasama dito ang mga sumusunod: Vice Ganda, Ogie Alcasid, Anne Curtis, Vhong Navarro, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Karylle at ang asawa nitong si Yael Yuzon, Ryan Bang, at ang kasamahan niyang si Paola Huyong, na hindi kilala sa showbiz, pati na rin ang asawa ni Teddy na si Jasmin Corpuz.
Sa caption ni Teddy, mababasa ang, “Kami ay pamilya [red heart emoji] #TheSuspenders.”
Kasama rin sa mga nag-upload ng mga larawan sa Instagram sina Vhong at Ion bukod kay Teddy.
Nagbahagi naman ng mga larawan at video ng kanilang masayang biyahe sa Hong Kong ang mga Instagram Stories nina Vice at Ryan.
Sa comment section ng post ni Teddy, nagkaruon ng mga komento mula sa mga netizens na nagpapahayag ng kanilang kasiyahan sa pagkakaroon ng bonding ng mga hosts ng It’s Showtime para sa kanilang bakasyon.
Binanggit din nila na mas magiging masaya ito kung kasama ang iba pang mga hosts tulad nina Kim Chiu, Jhong Hilario, Amy Perez, Jugs Julueta, Cianne Dominguez, MC, at Lassy.
Narito isang komento mula sa mga netizen:
“Parang kailangan niyo siguro talaga ma-suspend para makapagspend ng time to each other po and maybe pagkatapos po ng suspension niyo, mas the more na titibay po ang samahan niyo at sa pag-bakasyon niyo po makakapag-isip pa kayo ng mga magagandang gawin sa Showtime.”
“Although maganda naman na. masaya ba. pero mas lalong gaganda pa. I miss showtime so bad, nabibigyan niyo po ng ngiti ang mga tao. GOD BLESS YOU MORE SHOWTIME FAMILY. ingat po kayo.”