Naglabas na ng pahayag ang Board for Movie and Television Review and Classification (MTRCB) tungkol sa hindi magandang biro na ibinato ng beteranong TV host at komedyante na si Joey de Leon.
Noong sabado lamang ay nag trending sa mga social media platforms ang komedyante dahil sa kanyang pagbibiro sa episode ng kanilang noontime show na “E.A.T.” na may kaugnayan sa pagpapakamatay.
Ang nasabing biro ay binitawan ni henyo master sa segment na “Gimme 5” ng E.A.T kung saan ang mga contestant ay kailangang magbigay ng limang bagay na maaaring isabit sa leeg.
Sa umpisa, ang tanging naisagot ng contestant ay “necklace,” ngunit sa katapusan ng round one, bigla namang nag-suggest si Joey ng isa pang bagay na maaaring isabit sa leeg.
“Lubid, lubid, nakakalimutan niyo,” bitaw na biro ng beteranong host-comedian.
At tila hindi lahat ng manonood ay naging maayos ang pagtanggap sa “joke” na ito kung kaya’t agad inulan ng sandamakmak na reklamo at negative reaction si Joey De Leon sa social media, ayon sa netizens ay mairerelate daw umano sa isyu ng suicide o pagpapakamatay ang biro ng TV-host.
May mangilan ngilan din na nag tatanggol sa E.A.T host, ayon sa kanila ay masyadong OA ang mga netizens na nag react at ini-ugnay ang birong ito sa suicide.
Nagkaroon din ng mga panawagan kay MTRCB Chairperson Lala Sotto na nagnanais na parusahan si Joey gaya ng ginawa ng kanyang ahensya sa mga host ng noontime show na “It’s Showtime,” tulad nina Vice Ganda at Ion Perez.
Dahil sa pangyayari ito, pinangako ng MTRCB na kanilang pag-aaralan at susuriin ang mga natanggap na reklamo laban sa komedyante.
Kung ating matatandaan, ang noon-time program na “It’s Showtime” ay hinatulan ng MTRCB na ng 12-araw na suspensiyon dahil sa malaswang pagkinain daw umano ng icing sa kanilang daliri habang silay ay may katabing mga bata sa “Isip Bata” segment ng nasabing programa.