Naging usap-usapan sa social media ang isang video ng aktres na si Julia Barretto na nagpapakita ng pagtataray sa harap ng mga miyembro ng media sa isang press conference. Ito ay nai-post kamakailan sa Facebook account ni Cliff Irvine.
Kahit wala na ang video, ito ay na-screenshot mismo ni Julia at ibinahagi sa kanyang Instagram Stories. Mababasa sa caption ng viral video, “Julia Barretto, medyo nainis sa mga press dahil maingay during media conference.”
Kasabay nito, nag pahayag ang aktres ng kanyang pagtutuwid sa mga maling paratang at akusasyon na ibinato sa kanya ng nag-upload ng video.
“Hello. This is false,” ayon kay Julia sa kanyang IG.
Dahilan niya, “I was pertaining to some people who seemed not to be mindful of the ongoing event, NOT the PRESS.”
“Media conferences are always the space for us to have conversations with our friends from the press,” paliwanag pa niya.
Kwento pa ng aktres, “We are trying to answer their questions and it was getting a bit difficult to hear each other.”
Ayon rin sa kanya, matagal nang naganap ang naturang press conference kung saan siya ay naging bida sa isang pelikula kasama si Diego Loyzaga, at ito ay ipinalabas noong Hunyo pa.
“Also, this was back in June for ‘Will You Be My Ex’. Why now? [face savoring food emoji],” hirit ni Julia.
Sa huli ay tila sinabi rin ng aktres na “clickbait” lang ang viral post upang ito ay makakuha ng maraming views.
“Anyway, next clickbait..[emoji],” sabi niya.
Sa mga nakapanuod ng nasabing pelikula nina Julia at Diego, malamang ay maalala ninyo ang masalimuot na takbo ng kanilang love story, mula pa noong kanilang college days, at ang kanilang paghihiwalay dahil sa mga pangyayari sa karakter ni Julia na isang theater actress.
Ngunit, napagtanto naman ng marami na ang mga confrontation scenes ng dalawa ay talagang magaling, lalo na sa mga sigawan at away ng kanilang mga karakter.
Ang ikinagulat ng marami ay ang mga kissing at love scenes na kanilang ginampanan. Ibinigay talaga ni Julia ang lahat sa mga eksena ng pag-ki-kiss at pag-landi.
Gayunpaman, tanging aspeto ng sining lamang ang nais ipakita ng mga eksena na ito, at hindi ang bastos na kahulugan. Pinuri din ng marami si Direk Real Florido na nagawang gawing artistic ang mga eksena sa pelikula.
Hindi ito ang kanilang unang pagkakataon na nagkatrabaho. Nagkasama na sila sa “Petrang Paminta” episode ng “Wansapanataym” noong 2013 ng ABS-CBN, at sa afternoon drama series na “Mirabella.” Ipinakita ng dalawa ang kanilang kemistry sa mga naunang proyekto, kaya’t hindi nakapagtataka na naging magkasama sila sa iba pang proyekto.