Pinagpiyestahan ng mga kalalakihan ang mga sexy na larawan ni Julia Barretto bilang bagong Calendar Girl ng isang liquor brand.
Binaha ng mga komento mula sa netizens ang post ni Julia sa kanyang Facebook page, kung saan ipinakita ang 2024 calendar na nagpapakita ng kanyang hubog na katawan.
Sa kalendaryong iyon, masusulyap ang girlfriend ni Gerald Anderson na nakaupo sa puting kama at suot ang pulang see-through bikini na naglalantad ng kanyang hubog.
Sa caption nito, nagpahayag si Julia ng pasasalamat sa tiwala na ibinigay sa kanya bilang bagong mukha ng naturang liquor brand.
Nakakaloka ang mga komento mula sa mga netizens, kung saan ilang kalalakihan ang nagsabing napa-zoom sila sa kalendaryo ni Julia habang ang iba naman ay umamin na natakam sila sa kagandahan at kaseksihan ng aktres.
Nakakatuwa rin ang nagsabi na mas malaki raw ang litrato ni Julia kaysa sa mismong mga petsa ng kalendaryo. Mayroon ding nagtawag kay Julia na “Bukaka Queen.” Narito ang ilang reaksyon mula sa mga tagasunod ng dalaga sa Facebook:
“Di ko makita yung dates. Need i’zoom.”
“Mas nkita Kupa Yung kulay Ng panty Kaisa Sa number Ng calendaryo.”
“Bale Tuesday pala tatapat ang birthday ko next year. Salamat Julia!”
“Ang liit Ng mga petsa kaylangan 100% zoom.”
“Laki Ng buka kesa petsa.”
“Alin ba mahalaga dito? ung dates ng kalendaryo o yung pagbuka mo? mas nakapokus kami sa pagbuka mo e kase mas malaki pa kesa sa dates.”
“Zoom friendly na kalendaryo.”
“Minus 10 ka sa langit kapag nag zoom ka kapatid!”
“Ung Ang sexy pero di malaswang tignan.”
Sa totoo lang, tila masaya at proud ang boyfriend na si Gerald sa napakagandang pictorial ni Julia, sapagkat ni-repost niya ito sa kanyang Instagram story.