Naglalabas ng sunud-sunod na mga panawagan sa social media ang mga magulang at kapamilya ng beauty queen at kandidata sa Miss Grand Philippines 2023 na si Catherine Camilon.
Ayon sa kanila, itinuturing na “missing person” ang dalaga dahil sa ilang araw na hindi ito umuuwi sa kanilang bahay at wala rin daw itong komunikasyon sa kanilang pamilya.
Batay sa mga post sa Facebook ng mga kamag-anak ni Catherine, noong October 12 pa nila huling makontak ang dalaga. Si Catherine ang kinatawan ng Tuy, Batangas para sa Miss Grand Philippines 2023, kung saan si Nikki de Moura mula sa Cagayan de Oro ang nagwagi bilang Miss Grand Philippines 2023.
Bag-post ang kapatid ni Catherine na si Chin-chin sa kanyang Facebook account, noong Ika-13 ng Oktubre, “Baka po mababasa to ng kasama ni Catherine Camilon kagabi na ka work niya, hindi lang po namin alam kung sino, di po matandaan ang pangalan.”
“Pasabi naman po baka alam niyo po kung nasaan siya, kagabi pa po siya tumawag 8 pm, kaninang umaga pa po naka off ang phone nya, hanggang ngayon at hindi din po nag oonline, palagi po sya nag aupdate sa amin, ngayon lang po talaga hindi,” kwento pa ni Chin-chin.
Pagbabahagi niya pa sa isang hiwalay na post, “Sana makabalik ka na sa atin, madami nag aalala sayo kung nasaan ka halos dalawang araw ka ng walang update sa amin, wala namang alis na wala kang update, sana okay ka lang kung nasan ka man. Mahal na mahal ka namin.”
Noong October 14, nag-post din sa Facebook si Rose Camilon, ina ng beauty queen, kung saan naglabas siya ng kanyang panawagan hinggil sa umanoy “nawawala” na anak.
“Anak nsn ka? uwi na..magbuhay kn ng cp para makausap kn nmin..mahal n mahal ka nmin….Dyos ko tulungan mopo kame makita na oh mkausap ang aming bunso wag nio po ciang pbbyaan.”
“Ilayo nio po cia sa kapahamakan. Panginoon wla po akong ibng hinihiling para sa knila kundi ang kaayusan nila..ingatan nio po cia,” panalagin niya pa.
Dalawang araw pa lang ang nakakalipas, muli siyang nag-post ng kanyang mensahe para sa nawawalang bunsong anak, “Anak..sna alam mo na higit sa aming mga puso at icip na kailangan ka nmin mkita at mksm..mahal n mahal ka nmin.uwi na anak..magiingat ka..kailangan nmin ms mging matatag at matapang para sa iu.”
Bukod dito, naglabas din ng kanilang panawagan ang lokal na online news site na Balisong Channel sa Batangas hinggil sa pagkawala ni Catherine.
May impormasyon na iniulat ang pagkawala ng beauty queen sa kanyang ring teacher sa isang pampublikong paaralan sa Batangas.