Nagulantang ang social media personality na si Rendon Labador sa pagkawala ng kanyang TikTok Account.
Ayon sa ipinost niyang larawan sa kanyang Instagram stories, mismong ang TikTok Philippines ang nagtanggal ng kanyang account
“TikTok Philippines deleted my account,” pagbabahagi ni Rendon.
Binigyang-diin din ng social media personality na mali ang naging desisyong ginawa ng TikTok PH na tanggaling ang kanyang account dahil siya umano ang tumatayong “boses” ng mga taong hindi kayang magpahayag ng kanilang mga opinyon para sa kanilang sarili.
Ayon kay Rendon, “Bakit kung kailan binoboses ko ang mga taong walang kakayanan ipaglaban yung mga sarili nila doon naman ako na banned?”
“Dami daming kabastusan at kahayupan sa TikTok ay okay lang???” pagpapatuloy pa niya.
Meron din siyang screenshot tungkol sa tunay na nangyari sa kanyang account na direktang nagmula sa TikTok.
“Your account was permanently banned because of multiple policy violations,” mensahe ng TikTok ukol sa pagkawala ng account ni Rendon.
Samantala hindi niya na sinabi kung ano nga ba ang “multiple policy violations” na kanyang nilabag.
Karamihan naman sa mga netizens ay nag pyesta sa pagkawala ng TikTok Account ni Rendon. Ayon sa kanila ay kapag hindi pa din nagtino ang self proclaim motivational speaker ay baka siya na mismo ang biglang mawala.