Napansin na muling magkasama sa isang okasyon ang basketbolistang si Ricci Rivero at ang itinuturing na kasalukuyang girlfriend niya ngayon na si Los Baños, Laguna councilor at Bb. Pilipinas Globe 2019 na si Leren Mae Bautista.
Namataan ang dalawa sa ciudad ng Laguna sa hindi pa matukoy na pagtitipon.
Nakita ding namamasyal sina Ricci at Leren sa isang peryahan at masayang nagpapa-picture kasama ang kanilang mga tagahanga. Ang talaga namang kapansin pansin sa mga ito ang kanilang ka sweetan habang magkasama at pati na din ang pag-holding hands sa harap ng publiko.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama ang dalawa. Noong Agosto 2023, may mga litrato na nagpapakita sa kanila na “palakad-lakad” sa UPLB Freedom Park sa Los Baños.
Napansin din silang naglalakad sa isang lugar malapit sa UPCO sa Los Baños. Kahit naka-mask ang lalaki sa larawan, natukoy ng mga saksi na si Ricci ito nang magtanggal daw ito ng kanyang face mask. Si Leren naman ay madaling makilala dahil pamilyar siya sa mga tao sa kanyang hometown.
Parang nag-jogging ang dalawa ayon sa kanilang parehong black sporty outfits. May ring pagkakataon na nakita silang magkasama sa isang variety store habang bumibili ng tila isang stuff toy. Ang mga larawang ito ay agad na nag viral sa Twitter/X.
Ang bulong bulungan sa namumuong relasyon ni Ricci at Leren ay nagsimula noong dumalo sila sa isang outreach program sa Los Baños noong ika-26 ng Mayo, 2023.
Kung matatandaan, si Ricci ay kakahiwalay lamang kanyang kasintahan na si Andrea Brillantes noong unang linggo ng Mayo.
Nadawit si Leren sa hiwalayan ng dating magkasintahan, ngunit mariing itinanggi ng kampo ni Leren ang mga alegasyon na ito.
Hanggang sa ngayon, wala pang tuwirang pag-amin mula kina Ricci at Leren tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon.