Lumalabas na hindi na mapigilang magsalita ng basketbolistang si Ricci Rivero sa mga taong patuloy na naglalabas ng negatibong komento tungkol sa kanya at sa kanyang relasyon sa beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.
Mukhang patuloy ang pagkondena ng mga tao sa kanilang bagong relasyon, partikular sa pagkakaila na kanilang dati, ngunit ngayon ay tapos na silang mag-deny at umamin sa kanilang tunay na ugnayan.
Kaya’t wala nang pumipigil para sa mga netizens, lalo na sa mga tagasuporta ng dating kasintahan ni Ricci na si Andrea Brillantes, na magpahayag ng kanilang negatibong opinyon at mag-bash kay Ricci, dahil nakabase lamang daw ito sa kanilang mga nakikita at nababalitaang noong mga nakaraan buwan.
Kasama na rin sa isyu ang isa sa mga bestfriend ni Andrea na si Bea Borres, matapos sagutin ng basketbolista ang isa sa kanyang mga tweet. “lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no.”
Sey ni Ricci, “puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline.”
Sa episode kahapon ng “Marites University,” ibinahagi ni DJ Jhaiho ang mensaheng ipinadala sa kanya ng binata.
“Hindi ko naman siya pipigilan kung gusto niyang sumawsaw at hindi sila maka-move on sa hindi ko pakikipagbalikan sa kaibigan niya pero doon lang tayo sa totoo. Hindi third party si Leren, alam nila yan. Huwag silang pa-clickbait para makuha ang simpatya ng tao at sirain kami.”
“Mag mo-move on kami nang maayos nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila,” kwento ni Ricci.
Dinipensahan rin niya ang sarili hinggil sa paraan niya ng pagtugon sa isa sa mga kaibigan ng kanyang dating girlfriend.
“Jai, never akong pumatol sa kanila kahit sa lahat ng pagpaparinig nila. We all know who she’s pertaining to sa mga tweets niya from the very start. Nag reply ako kasi sumosobra na sila and meron naman talaga ako alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita kasi hindi ako yung tao para manira. You all know me from the beginning,” kwento pa ni Ricci.
Ani Ricci ay ilang beses na raw silang naghiwalay ni Andrea noong simula ng taon at tunay nga ngang magulo ang kanilang relasyon.
“Nakilala ko si Leren May 26, Jai. And alam nilang mag bestfriend na wala na kami that time. We broke up a couple times na early this year kaya magulo na talaga. Nakikipagbalikan siya and nung last time na May 6 sinabi niya na wala na, end na because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko yun na pumunta doon so paanong overlap doon Jai?” lahad ni Ricci.
Ayon pa sa kanya, “Hindi naman ako nagsasalita nung mga nakakasama at kausap din silang iba sa bars. Pumupunta siya ng condo ko ng madaling araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag yes ba ako? Hindi. Kasi ayoko na and sinabi ko yan sa kanya paulit-ulit. So I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single.”
Sinabi rin ni Ricci na pinakiusapan daw siya ni Andrea na huwag munang isa-publiko ang kanilang paghihiwalay upang mapanatili ang kanyang imahe.
“She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag makipagbalikan, sisiraan na ako bigla. Nanahimik ako sa lahat ng detalye at tiniis lahat lahat ng paninira dyan sa laundry na yan, sa mga gamit sa bahay para lang pagbigyan ang coping mechanism nila pero sobra na.”
“Wala naman nang mawawala sa akin so bakit ‘di ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon, hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko,” pahayag pa ni Ricci.
Dagdag pa niya, sinabi ni Ricci na kaya niyang ikuwento ang mga kalunos lunos na sinapit niya sa kanilang relasyon, ngunit pinili niyang manahimik bilang respeto sa pinagsamahan nila.
“Kaya ko rin naman ikuwento lahat ng pangit sa isang taon naming pagsasama pero hindi ko nilalabas sa publiko dahil may respeto ako sa kanila at sa pinagsamahan pero kung pati future ko nakadepende sa nakaraan na ‘yan, hindi na ako papayag,” pagalit pang sinabi ni Ricci.