Napakaraming netizens ang nagulantang at napahanga sa bagong maikli at trendy na hairstyle ng dating aktres na si Sarah Lahbati.
Nitong Huwebes, ika-23 ng Nobyembre, nagbigay ng sorpresa si Sarah sa madla nang ipakita sa kanyang Instagram account ang kanyang bagong gupit.
Kahit dati nang maganda si Sarah sa kanyang mahabang buhok, mas lalong umangat ang kanyang kagandahan sa kanyang bagong istilo.
Maraming netizens ang nagbigay papuri sa bagong anyo ng celebrity mom.
“Ethereal beauty talaga si Sarah,” saad ng isang netizen.
Comment naman ni Pauleen Luna-Sotto, “You are beautiful [emoji] inside and out!”
Madaming netizens din ang nagsabing senyales na nga ba ito ng pag momove-on ng aktres sa relasyon nito sa asawang si Richard Gutierrez?
Kung matandaan ay naging maugong ang usap usapang hiwalayan ng dalawa dahil sa mga kontroversial na mga larawan nilang hindi na sila magkasama.