Nagulat ang mga manonood, pati na rin ang iba pang mga host ng “It’s Showtime,” nang biglang lumabas ang mag-asawang sina Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang kanilang anak na si Amari sa “Magpasikat” performance ni Vice Ganda, na katuwang sina Jackie at Cianne.
Kahapong ika-9 ng Nobyembre, ang tema ng kanilang performance ay nag-focus sa mga konsepto ng “pangarap,” “paghilom,” at “kapatawaran.”
Habang ang mga nagho-host na sina Vice, Jackie, at Cianne ay nagpakita naging emosyonal sa kanilang pag-awit kasama ang kanilang mga magulang, bigla namang nagpakita sa eksena ang pamilya ni Billy, nagdulot ng gulat at nagdagdag pa sa damdamin sa loob ng “Showtime” studio.
Sa screen, masusilayan ang mga emosyonal at masayang reaksyon nina Anne, Karylle, Tyang Amy, Ogie, Vhong, Jhong, at iba pang mga host.
Lubos ang kasiyahan ni Vice dahil kahit na abala at may taping si Billy para sa kanyang programa sa Kapuso na “The Voice Generations,” naglaan pa rin siya ng oras para maging espesyal na bisita sa kanilang performance.
Sa pagkakataong ito, aminin ni Vice na naging maayos na ang kanilang ugnayan ng kanyang malapit na kaibigan.
Sabi ni Vice, “Lingid ho sa kaalaman ninyo, okay na okay na kami ni Billy. Pero hindi kami ‘yung tipong, diba, basta okay kami. Tapos nagte-text kami, hindi namin ‘to napag-uusapan.”
Kapag napanood daw niya ang konsepto ni Anne na “healing,” naisip niyang isama sina Billy sa kanilang performance.
“I think, maganda ‘yung, kung hindi lang natin sinasabi ‘yung salitang “healing” ‘yung ipinaparamdam din natin, para maramdaman nung ibang tao, na hindi lang siya sinasabi, kailangan ginagawa siya at sinisimulan,” chika ni Vice.
Dagdag pa niya, “And Billy’s presence here today, and the madlang people knowing na we are okay, baka mag-inspire ‘to sainyo na mag-heal din, baka it’s about time, baka kaya niyo na rin, diba, na makipag-reconcile, lalong lalo na sa mga taong mahalaga sa inyo.”
Alam ng lahat na talagang malalapit ang dalawa at nagkasama sila sa “It’s Showtime” ng ilang taon.
“Billy is one very important person sa buhay ko, ‘di ba? ‘Yun ang pinag-uusapan natin nu’ng nakaraan, sabi ko, ‘At the end of the day, you are my best friend, and I love you very much’. Kaya sabi ko, regalo natin ‘to sa madlang pipol, na makita nila tayong magkakasama ulit,” pagbabahagi ni Vice.
Sey pa niya, “Sa sobrang kagustuhan niyang magpunta rito, siya talaga ang gumawa ng paraan para naririto siya kasi sabi niya, utang niya to sa madlang pipol. Gusto niya talaga kayong makita.”
Sagot naman ni Billy, “Thank you Vice, happy anniversary first of all, to us. Marami akong realizations this past month, kababalik ko lang galing States, at kakakita ko lang kasi ng daddy ko.
“Alam mo ba ang bilin niya sa akin? Is mag-ayos tayo…. Alam niyang may hindi magandang pangyayari ng iilang taon, and nu’ng sinabi ng daddy ko na request niya is part of that, it’s beyond my control. It’s beyond Vice’s control din. I think lahat ng ‘to, it was orchestrated by God.”
Dito nga niya ipinahayag na dapat hindi matutuloy ang kanilang pagpunta sa “It’s Showtime” dahil may taping ito ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari kaya pinayagan siya na makapag-guest sa performance ni Vice.
“Nahanap ko ang aking asawa, at nabuo ang aking pamilya, nang dahil dito sa programang ito. Para sa akin, it really doesn’t matter kung saan ka, ang importante kasi, eto, lahat ng ito ay iisa lang naman, puro puso, mahal namin ang isa’t isa.
“Lahat ng pamilya nagkakaaway, nagkakalabuan, pero at the end of the day, in God’s time, siya na rin ang bahalang mag-aayos. Kaya on my end, I want to say, I’m sorry [Vice],” ani Billy.
Humingi rin ng tawad ang singer-actor sa madlang pipol at mga Kapamilyang manonood.
“I’m sorry madlang pipol, I’m sorry Kapamilya, but myself, nagpapakumbaba lang ako, na gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya. And kasama na rin po kayo doon madlang people.
“I really want to thank you everyone for the support and love, amidst sa lahat ng nangyari, but I just wanna say, Vice, I love you,” sey pa ni Billy.