Ayon sa pinakahuling impormasyon na ibinahagi ni Cristy Fermin, tila wala pa ring natatanggap na tulong pinansyal ang mga staff at crew ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” mula kay Vice Ganda.
Sa pinakabagong episode ng kanyang vlog kasama sina Rommel Chika at Wendel Alvarez, binanggit niya na kahit paumanhin dahil ang Kapamilya noon-time program ay nasuspinde dahil sa kanya at wala in.
“Nanggaling mismo doon sa loob, wala naman daw binibigay na ayuda si Vice,” kwento ng kolumnista.
Ayon pa sa kanya, “Sila (staff) din mismo ngayon ang nagkukuwestiyon kung bakit sabi magbibigay, waley naman pala.”
Kung matatandaan may chismis na kumalat noon tungkol sa pag garantiya ni Vice Ganda na siya ay magbibigay ng ayuda o financial assistance sa mga apektadong staff at crew sakaling ituloy ang 12-day suspension ng MTRCB sa programang “It’s Showtime.”
Ito ay naging laman din ng ulat ni Nanay Cristy at ito ay naipahayag sa iba’t ibang mga entertainment sites.
Sa kasalukuyan, ayon sa ulat na natanggap ni Nanay Cristy, wala pa rin daw ibinibigay si Vice Ganda.
Ayon sa opinyon ng kolumnista, maaaring hindi na tinuloy ng host ng “It’s Showtime” ang tulong-pinansyal dahil patuloy ang trabaho ng mga staff at crew, lalo na’t sila rin ang kasama sa programa na “It’s Your Lucky Day.”
“Katwiran niya (Vice) siguro, ‘yun lang namang mga host ang suspended pero ‘yung staff and crew sila din ‘yung magmamando [sa ‘It’s Your Lucky Day’]. Baka iyon ang kanyang iniisip,”
“Bakit pa nga naman siya magbibigay e sila nga naman ang nawalan ng trabaho pero ang staff and crew tuloy pa rin?” pagbabahagi pa ni Cristy.
Naiulat din ni Wendel na ayon sa kanilang chika, kung sakali raw na siya ang nasa posisyon ni Vice Ganda, itutuloy pa rin niya ang kanyang naunang ipinangako na tulong.
“Ako itutuloy ko talaga kasi naipangako ko na yan e. Ibig sabihin nabitiwan ko na ‘yung salita na ‘yan. So mahirap naman na magbibitaw ka ng salitang ‘Akong bahala’,” komento pa nito.