Dala ng kanyang excitement, proud na ipinagmalaki ng TV host-comedian na si Ryan Bang sa mga manonood na sa wakas ay mayroon na siyang kasintahan!
Yes mga ka-Marites! Sa isang live episode ng “It’s Showtime” kahapon, inanunsiyo ni Ryan Bang ng buong sigla ang kanyang bagong estado sa buhay, na “in a relationship” na siya.
Siyempre, gusto kong sabihin sa aking ‘Showtime’ family, sa harap ninyo, Mommy, Daddy, kayo kuya ko, ate ko, Tyang, may girlfriend na ako!”
“Siyempre, gusto kong sabihin sa aking ‘Showtime’ family, sa harap ninyo, Mommy, Daddy, kayo kuya ko, ate ko, Tyang, may girlfriend na ako!” Masayang pagbabagi ng korean host-comedian.
Si Vice Ganda, na siyang nanay-nanayan ni Ryan Bang, ay isa sa mga unang natuwa para sa komedyante. Matagal nang sinasabi ni Vice Ganda na darating at darating din ang tamang babae para sa kanyang kaibigan.
“Ang saya-saya. Alam mo kahapon, ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos nag-text siya sa ‘kin.
“Ang saya-saya niya, sabi niya, ‘Mommy, ikaw una kong sasabihan.’ Ta’s tinawagan ko siya, umiiyak siya,” sey ng unkaboggable star.
Sagot ni Ryan kay Vice, “Siyempre, gusto ko ikaw unang makakaalam, Mommy. Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon… thank you so much sa support niyo sa pag-ibig ko.”
Pagkatapos nito, bigla namang nang asar si Vice, “Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na. Ang tanong, ikaw kaya, when?” Ito’y sinundan ng malakas na tawanan mula sa kanilang mga co-host sa palabas pati na rin sa mga manonood sa studio.