GMA Network proud na inilunsad ang kanilang bagong AI (Artificial Intelligence) Technology, marami ang nagsasabing ito ay isang makabagong approach sa paghahatid ng mga sports news.
Ipinakilala nila ang mga AI generated characters bilang sina Maia at Marco, bilang mga bagong tagapaghatid ng kaganapan sa NCAA Season 99, kasama na din ang mga ulat tungkol sa mga local and international sports events na nilalahukan ng ating mga atletang Pinoy.
Maaari naman mapanood at mapakinggan ang mga pinakabagong AI sportscaster ng Kapuso sa mga social media platform ng GMA Network, GMA Sports, at GMA Synergy.
“The introduction of the first AI sportscasters by GMA Integrated News is a groundbreaking initiative that significantly impacts our objective of ‘Mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa bayan’,” paliwanag ng Senior Vice President at Head of Integrated News, Regional TV, and Synergy na si Oliver Victor B. Amoroso.
Ayon sa kanya, “It aligns with our mission to serve all communities within the nation and promote inclusivity in our reporting.”
Nagpahayag din ang NMI Studios Head of Creatives na si Ramil Escarda kung saan sinabi niyang, “The rise of generative AI not only transforms how we share news and information, but it also fuels our creative process and redefines the landscape of modern video production.”
“It doesn’t replace human ingenuity; instead, it amplifies it, making our storytelling more powerful and accessible,” dagdag pa niya.
Sa kabilang banda, agad naman namang binatikos ng mga netizens ang AU-generated sportscasters ilang oras pa lamang ang lumilipas mula ng sila ay ipinakilala GMA.
Ayon sa mga netizens ay madami daw mga broadcasters at sports news anchor ang mas may kakayahan mag report kaysa sa mga AI, nangangamba din sila na sa bandang huli ay posibleng magkaroon ng conflict ang teknolohiyang ito sa career ng mga taong nais pumasok sa mundo pagbabalita.