Ipinanalo ng Germany ang kanilang laro kontra sa Team USA sa FIBA World Cup 2023 semifinals na may iskor na 113-111.
Makakalaban nila ang Serbia sa finals matapos nitong talunin ang Canada sa kanilang final four match na may score na 95-86.
“This team is very worthy of winning a championship, and we just didn’t get it done,” saad ni coach Steve Kerr matapos ang laro.
Pero posible pa ring umuwi ng walang medalya ang Team USA kung matatalo sila sa battle for third place sa team ng Canada. Medyo malaking sorpresa ito para sa isang powerhouse team tulad ng Team USA sa basketball.
“Terrible,” pagalit na sinabi ni Team USA guard at captain Jalen Brunson na gumawa ng 15 points. “Plain and simple.”
“We knew the task at hand, and that was to go win,” ayon kay Austin Reaves, na nag ambag ng 21 points habang 23 naman ang kay Anthony Ewards. “And we didn’t do that.”