Binigyan tugon ni Neri Miranda na kinilala bilang “wais na misis,” ang weekly meal plan na ayon sa mga netizens eh kwestiyonable at imposible, inirerekomenda niya sa mga mommies ang nasabing post para sa kanilang mga pamilya, lalo na sa mga anak na nag-aaral.
Makikita sa comments section ang mga hinaing ng maraming netizens na nagsasabing hindi ito makatarungan sa panahon ngayon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Inilinaw din niya na ang dahilan kung bakit umabot lamang sa P1,000 ang kanilang budget ay dahil sa may kanya-kanyang alaga siyang manok, kaya’t libre ang mga itlog na ginagamit nila.
Dagdag pa niya, mahilig din siyang magtanim kaya’t hindi na niya kailangang bumili ng mga gulay at prutas.
Napansin din namin na sinagot ni Neri ang isang basher na nagsabing, “Rich people making a content about the situation of the poor.”
Ayon kay Neri, na dating aktres at negosyante, galing din siya noon sa hirap kaya’t mas nauunawaan niya kung paano makatipid.
“Galing ako sa hirap kaya alam ko maging madiskarte. Paano? Matutong magtanim sa bakuran, mag-alaga ng mga hayop na pwedeng pagkunan ng pagkain,” pagbabahagi niya.
Ayon sa kanya, “Nagawa ko na ‘yan dati at ‘nung bata ako, nagagawa ko pa rin hanggang ngayon na magtipid kahit may extra na ako.”
Pinuna niya din ang mangilan sa bashers sa comment section, “‘Di ko alam if you’re following me before pa or napadaan ka lang just to comment.”
“Pwede ko rin sabihin sa comment mo na, younger generations talaga trying to look cool with their comment without even knowing everything. You’ll just comment, right?” dagdag pa niya.